Back to top.
Posts tagged banat.
Hirap maging TAKEN palagi…

TAKEN for granted.

05.29.12 1
Reiunwanted presents: Ano daw?

  1. Porket nafeature ka sa TV, Public figure agad ‘teh? - Hindi naman porket nainterview ka o nafeature ka sa TV sikat ka na, o artista ka kagad. My gulay naman some people got it wrong. XD Oh wala akong sinabi kung sino ha?
  2. Porket may album ka magaling ka agad kumanta? - Search William Hung, sya ang nagpatunay na pwede magkaalbum ang hindi kagandahan ang voice. 
  3. Porket nag-Starbucks ka kailangan may picture ka kasama binili mo? - Hayaan na baka minsan lamang makapag-SB o baka akala nya may mga taong maiinggit sa kanya. 

03.04.12 1
Reiunwanted presents: “Bakit hindi naging tayo 1 (Reasons)”

(Tinopak at nakuha ko ang inspirasyon ng post na ito dito: http://www.youtube.com/watch?v=dnRhAmh-KCE&sns=fb p.s. kay ate, ang ganda me ‘teh saya mo)

Bakit hindi naging tayo? Eto ang mga dahilan kadalasan o sinasabi bakit hindi naging magkasintahan o mag-on ang 2 tao:

  1. “Parang kapatid ka lang sakin” - Siguro kasi dahil sa age gap o talagang parang magkapatid ang turingan nyo. Hindi nga naman pwede sa isang relasyon ang magkapatid kayo, di ba? 
  2. “Kaibigan lang turing ko sayo” - Friendzoned, masakit nga ito kaso meron din naman mga dumaan sa ganito na naging sila konting tyaga at hintay lang
  3. “Hindi ka na nahintay” - Sabi nga sa isang banat ang babae o lalaking hindi makapaghintay, madali maging nanay/tatay. Malamang puro kati ang katawan nun kaya hindi ka nahintay o baka naman kasi ang tagal mo.
  4. “Hindi kita gusto” - Pag sinabihan ka ng ganyan eh matuwa ka (unless on national TV ka sinabihan nyan) kasi prangka lang yung tao, mas okay namang ganyan kesa magpanggap lang sya na may gusto sya sayo dahil mas masakit yun pag nalaman mo di ba? Madami pa namang pwedeng mahalin dyan.
  5. “Hindi tayo talo” - Parehas pala kayong lalaki o babae ang gusto XD masaklap pero mas okay na sinabi sayo kesa malaman mo sa iba.
03.03.12 2
Kasing lakas ba ng alak tama mo sa kanya?

Sus, isang araw gigising ka rin at isusuka mo rin yan.

12.16.11 3
Ang Pag-ibig parang pagpapakalbo..

kasi kahit ubusin mo lahat ng buhok mo may tutubo ulit. Parang pag-ibig pag naubusan ka, magkakaroon ulit.

12.13.11 2
Ang relasyon pag minadali…

Madali ding masira… 

Ano yun mahal mo na agad? Weh? sapak gusto mo? Baka matauhan ka. 

Kilalanin mo muna maigi ang tao bago ka pumasok ng ganyan dahil ang weird naman kung habang kayo na dun pa lang nyo kinikilala ang isa’t isa. 

Kadalasan din ng mga ganitong relasyon ay hindi sincere kaya wag ka na umasa.

12.13.11 1
ang problema parang tetris

hindi pwede basta basta na lang ipatong kung saan ang mga piyesa, dapat ilagay mo ang mga tamang piyesa para makabuo ng linya at mapanalo ang laro. Ang problema hindi mo pwede baliwalain at pagpatungpatungin, hindi maaayos problema mo kung hindi mo aayusin.

12.11.11 2
‎”Hindi importanteng tumatawa ka.. Ang mahalaga, kung masaya ka ba? Dahil hindi lahat ng nakakapagpatawa sa’yo, kaya kang pasayahin.”
11.27.11 22
Minsan sinabi ko sa crush ko na gusto ko sya

at sinabi nyang “Sorry, sister hindi tayo talo.” XD

11.27.11 5